Construction worker na may kasong homicide sa Jovellar, Albay arestado

LEGAZPI CITY –  Hawak na ngayon ng Jovellar Municipal Police Station ang Construction Worker na may kasong Homicide sa nasabing bayan.

Kinilala ang  akusado na si alyas Dennis Andaya, 25 anyos, residente ng Brgy. Capuluan Tulon sa bayan ng Guinayangan, Quezon.

Sa panayam ng Brigada News Fm kay Pcorporal Christopher Ben Papa, ang assistant investigator ng Jovellar Municipal Police Station sinabi nito, hindi nakipagtulungan ang akusado sa pulisya ng ito ay tawagin upang magsagawa ng imbestigasyon.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Dagdag pa nito tumakas at nagtago umano ito sa lalawigan ng Quezon.

Dahil dito, nagtaka ang mga operatiba ng ito ay mawala sa lugar habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon.

Hindi nagdalawang isip ang mga kapulisan na sampahan ng kaso ang suspek dahil sa tanging huling insedente o nakasama nito bago mangyari ang pagpatay sa biktima ay kasama nito sa inuman.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon pa dito taong 2019 ng mangyari ang insedente kung saan nasa kasarapan ng pag iinuman ang biktima at suspek ay nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo sa bahagi ng Barangay Bautista at Barangay San Vicente na nauwi sa pananaksak.

Aabot din sa P120K ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nakatakda rin umano na dalhi n sa court origin ang akusado para sa kaukulang disposisyon.