5 katao arestado dahil sa ilegal na pagsasabong sa Guinobatan, Albay

LEGAZPI CITY – Inaresto ang limang kalalakihan matapos mahuli sa ilegal na pagsasabong sa Purok 2, Brgy. Muladbucad Grande sa bayan ng Guinobatan Albay.

Kinilala ang mga suspek na sina Jorlan Martinez Gomez, 50 anyos, may asawa, residente ng Purok 2, Barayung lungsod ng Ligao, Romeo Bieta Ritalo 62 anyos residente ng nasabing, Edgar Razal Suarez, 48 anyos, residente ng Purok 4, San Rafael, Justino Oxina Moral, 73 anyos, magsasaka, residente ng Purok 5, Barangay Inascan ng kaparehong bayan ng Guinobatan, at si Yorny Ranido Regalario, 50 anyos residente ng Purok 6, Basag, lungsod ng Ligao.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon sa report hapon ng magsagawa ng Anti Ilegal gambling operation ang mga awtoridad sa nasabing lugar kung saan naaktohan ang mga ito na nagsasagawa ng ilegal na pagsasabong o tupada na nagresulta naman sa pagkakaaresto ng mga suspek habang nagsipagtakbohan ang iba pang mga kalalakihan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Narekober sa mga ito ang 10 pirasong manok, dalawang gaff at pera mahigit sa P7K na ginamit sa pagtataya.

Ang mga suspek ay nahaharap sa paglabag sa PD 1602 o mas kilala sa tawag na Illegal Cockfighting.