Construction worker na humalay sa kanyang stepdaughter ilang taon na ang nakakalipas naaresto ng Basud Police

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang construction worker na akusado sa kasong pangagahasa sa kaniyang stepdaughter ilang taon na ang nakakalipas.

Kinilala ang suspek na si alyas “Yoyoy” 47 anyos, may asawa at residente ng Barangay San Jose sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ginawa ng mga operatiba ng Basud Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj Melvin Atacador ang pag aresto sa suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge Rene Morallo De La Cruz ng Family Court Fifth Judicial Region Branch 5 na may petsang June 28, 2022.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Si alyas Yoyoy ay nahaharap sa kasong two counts of rape at acts of lasciviousness in relation to Republic Act 7610 o anti child abuse law.

Ayon sa ulat ng Basud Municipal Police Station minolestya at hinalay umano ni alyas Yoyoy ang kanyang stepdaughter noong pitong taong gulang pa lang ito taong 2009 at naulit ang panggagahasa noong taong 2015 at 2020 sa mismong bahay nila.

Hindi agad nakapagsumbong ang biktima makaraang pagbantaan umano ng akusado na papatayin niya ito at ang buong pamilya.

Si alyas Yoyoy ay nangunguna sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa Basud at ikawalo naman sa buong probinsiya.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nasa kustodiya na ito ngayon ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon at walang inirekomendang piyansa ang hukuman.

Noong isang linggo sa isinagawang pagpupulong ng Municipal Advisory Council for Police Transformation and Development ay binigyang diin ni Major Atacador ang kahalagahan ng mga ginagawang hakbang kontra kriminalidad.

Ito umano ang dahilan kung bakit nagtutungo sa mga barangay ang kapulisan hindi lang para sa law enforcement kundi para na rin ma- educate ang mga tao lalo na ang mga kababaihan at kabataan sa kanilang mga karapatan.