Ellen Adarna, balik workout na matapos makarekober mula sa breast implants removal

Dalawang buwan matapos sumailalim sa breast explant, balik na sa pagwo-work out ang aktres na si Ellen Adarna.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Adarna sa kanyang Instagram ang kanyang jump rope workout, matapos makarekober mula sa kanyang breast implant removal surgery.

Matatandaan na noong Mayo, nang ibunyag nito na tatanggalin na ang kanyang breast implants, matapos makaranas ng back pain at fatigue.

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi rin ng aktres ang larawan ng silicone shells na tinanggal sa kanyang dibdib.

Giit nito, nakakaapekto na sa kanyang paghinga ang kanyang implants.