Dagdag na benipisyo at insentibo para sa mga empleyado ng baranggay, isusulong sa kamara

Isusulong ni Zambales 1st District Representative Jay Khonghun ang pagbibigay ng karagdagang benipisyo o insentibo sa mga empleyado ng baranggay.

Ito ay ang Magna Carta For Barangay Employees na isa sa mga priority bills ng isa sa mga bagitong kongresista.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon kay Khonghun, maituturing na underpaid ang mga empleyado ng barangay kung ikukumpara sa mga ordinaryong manggagawa dahil sa dami at delikadong trabaho ng mga ito.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Target ng kongresista na bukod sa madagdagan ang allowances ay magkaroon ng access sa libreng pagpapa-ospital, gamot at iba pang benipisyo ang mga health workers, barangay nutrition scholars at mga tanod.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO