Pot session house sa isang barangay sa Legazpi City sinalakay ng PDEA Albay, pito katao arestado

LEGAZPI CITY – Arestado ang pito katao matapos salakayin ng Philippine Drug Enforcement and Agency (PDEA) Albay at Pdea Catanduanes ang bahay ng suspek sa Barangay Peñaranda lungsod ng legazpi.

Kinilala ang mga suspek na sina Edna Blanca (High Value Target), Israel Ariola, 50 anyos, Gina Araojo, 46 anyos, alyas Marky 17 anyos, Sheena Mae Roque, 28 anyos, Retchie Beron, 32 anyos at si Rosemarie Ariola, 54 anyos.

Read More:  Mayon unrest pushes Albay farm damage beyond P6.6 million

Ayon sa report, sinilakay ng pdea albay at catanduanes ang bahay ni Blanca upang magsagawa ng search warrant operation kontra sa ilegal na droga.

Naabotan ng mga operatiba ang mga suspek sa loob ng bahay kung saan nakuhanan ng 15 pirasong suspecyes shabu at ibat ibang uri ng drug paraphernalia.

Aabot sa mahigit kumulang sa 15 gramu ng shabu ang nakuha sa bahay mismo ng suspek. Ayon kay Noel Briguel, sila ang ayaw ng pagbabago kung saan hindi tumitigil sa paggamit ng ilegal na droga at pagpapabili ng droga.

Read More:  Tricycle gutted by fire in General Santos City after welding accident

Ginagamit rin umano drug den o pot sessions ang bahay ng nasabing suspek.

Dagdag pa nito, nasa listahan rin umano ito ng Barangay Anti Drug Abuse Council (BADAC).

Sa ngayon ang mga suspek ay dadalhin muna pansamantala sa PDEA Albay para sa kaukulang disposisyon.