Conception: PH economy, mahihirapan lang, kung…

Naniniwala ang presidential adviser for entrepreneurship na ang rekomendasyong pagsasailalim sa National Capital Region sa strictest lockdown ay makakasira lang sa ekonomiya.

Giit ni business leader Joey Concepcion, magdudusa ang Pilipinas kung ipapatupad ang naturang hakbang.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Una nang sinabi ni Senator Francis Pangilinan na posibleng kailanganin ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa capital region para maiwasan na matulad ang Pilipinas sa karanasan ngayon ng Indonesia, na nagtala ng libo-libong bagong infections ng mas nakakagawang Delta variant, araw-araw.

Mungkahi ni Concepcion, sa halip na magpatupad ng ECQ, dapat na paigtingin ng gobyerno ang COVID-19 vaccination program.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Samantala, nagbabala naman ito na kung mabibigo ang gobyerno na lalo pang muling buksan ang ekonomiya hanggang sa huling quarter ng 2022 ay mararansan ang mahirap na taon para sa local businesses. // MHEL PACIA-TRINIDAD