Inaprubahan na ng Pilipinas ang commercial production ng genetically modified “golden rice” na inaasahan ng mga eksperto na makakatulong na labanan ang childhood blindness at makaligtas ng buhay sa developing world.
Dahil dito, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo ang gumawa sa naturang hakbang.
Ayon sa developers, ang biosafety permit na ibinigay ng government regulators ay nagbibigay daan para sa bigas na mayaman sa vitamin A-precursor beta-carotene, para mas maging nutritional — na itatanim ng mga magsasaka sa buong bansa.
Giit ni Russell Reinke ng Philippine-based International Rice Research Institute (IRRI), ma mahalagang hakbang ito para sa kanilang proyekto, dahil nangangahuluigan umano ito na tapos na sila sa naturang regulatory phase at ang golden rice ay idedeklara bilang ligtas, tulad ng ordinary rice.
Nabatid na inabot ng dalawang dekada ang IRRI sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute para mabuo ang golden rice — na pinangalanan para sa kanilang bright yellow hue, na kauna-unahang genetically modified rice na inaprubahan para sa commercial propagation sa South at Southeast Asia. // MHEL PACIA-TRINIDAD
