Concept development conference para sa Salknib at Balikatan o SABAK 2025, sinimulan na ng PH at US Army

Sinimulan na ng Philippine Army at US Army Pacific ang concept development conference para sa Salknib at Balikatan o SABAK 2025.

Ayon kay Army Public Affairs Office Chief, Col. Louie Dema-ala, sinimulan ang conceptb development kahapon at magtatagal ito ng 3 araw.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ang Salaknib, ay isang combined training exercise sa pagitan ng Philippine Army at USARPAC, habang ang Balikatan, ay annual combined joint exercise sa pagitan ng ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at U.S. Indo Pacific Command.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Ayon kay Col. Dema-ala, layunin ng SABAK na palakasin ang interoperability sa pagitan Pilipinas at Estados Unidos, gayundin ang pagpapabuti ng kanilang kakayahan sa pagtugon sa iba’t ibang uri ng hamon sa seguridad.