Mga mangingisda sa WPS – apektado na dahil sa mas mataas na presensya ng China

Halos 60% ang nawalang kita ng mga mangingisda sa Scarborough Shoal sa gitna ng fishing ban na ipinatutupad ng China sa South China Sea, at ilang bahagi ng West Philippine Sea.

Batay sa mga ‘mother boat’ operators sa Subic, Zambalez, sinabi ng PAMALAKAYA na mula sa dating 10,000, bumaba na sa P4,000 ang kinikita ng mga mangingisda kada-fishing trip malapit sa Scarborough o Panatag Shoal.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ayon kay PAMALAKAYA-Zambales provincial coordinator Joey Marabe, mas lumakas pa ang presensya ng Chinese vessels simula nang maisailalim sa fishing moratorium ang territorial waters.

Dagdag pa ni Marabe, kahit hindi nila direktang nararanasan ang untoward incidents – ang ‘overwhelming’ na presensya ng malalaking vessels ng China ay nakaaapekto sa kanilang kabuhayan.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sa huli, binigyang-diin nito na halos isang buwan na nang ideklara ng China ang ‘walang batayan’ nilang fishing ban.

Sa kabila aniya nito, sinabi ni Marabe na hindi pa rin nila maramdaman ang administrasyon ni Pang. Bongbong Marcos na kumustahin man lang ang mga mangingisda sa lugar.