CAMARINES NORTE- Patuloy umanong tinututukan ng Department of the Interior and Local Government ang compliance ng mga LGU sa road clearing.
Sa text message sa Brigada News FM Daet, inihayag ni LGOO VII Jerwin Novio ng DILG Provincial Office na mayroon pa ring monthly monitoring sa Barangay Road Clearing.
Regular pa rin aniya ang pagsusumite ng report ng mga DILG officers sa iba’t- ibang munisipyo hinggil sa compliance ng kanilang mga nasasakupan.
“Yes meron pa rin kaming monitoring re: sa Brgy road clearing. Every 5th of the montn ay nasubmit ang DILG officers namin ng status of compliance ng mga brgys na sakop nila for the previous month.”
Tinitingnan umano ng mga DILG officer kung nagsasagawa pa rin ng road clearing ang mga LGU o napapanatiling cleared ang mga kalsada.
Ang tagubuilin umano ni Interior Secretary Eduardo Año ay ituloy ang monitoring sa compliance ng mga LGU hanggat hindi ipinapatigil ni incoming Sec. Benhur Abalos sa ilalim ng papasok na administrasyong Marcos.
Sa isang pahayag ay una nang sinabi ni Año na dapat ituloy ng mga LGU ang road clearing upang masiguro ang kaligtasan lalo nan g mga bata dahil sa inaasahang pagbabalik ng face-to-face classes sa susunod na School Year.
Binigyang diin ng Outgoing Secretary na dapat ma- sustain ang road safety programs tulad ng road clearing operations at ang pag- ban sa mga tricycle sa national higway.
Aniya kadalasang tricycle ang sinasakyan ng mga bata sa pagpasok sa eskuwela kaya naman mahalaga raw na tiyaking ng mga LGUs na ligtas ang daan at sumusunod ang mga drayber sa mga limitasyon.
