Healthcare utilization rate sa Camarines Norte nananatiling nasa low risk sa kabila ng pagkakaroon muli ng mga naitalang kaso ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Nananatiling nasa low risk ang healthcare utilization rate sa lalawigan ng Camarines Norte sa kabila ng pagkakaroon muli ng mga bagong kaso ng COVID- 19 makalipas ang mahigit dalawang buwan.

Batay sa pinakahuling  datos ng Department of Health sa 116 na Covid beds na inilaan ng lalawigan 13 dito ang nagamit o katumas ng 11. 02 percent.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Wala namang naitalang paggamit sa  ICU beds for Covid at mechanical ventilator.

Sa ngayon ay apat ang aktibong kaso ng Covid- 19  sa lalawigan na pawang nagmula sa bayan ng Daet.

Dahil dito umabot nasa kabuuang 4, 057 ang naitalang kabuuang kaso ng sakit mula noong Marso 2020 hanggang nitong Hunyo 25, 2022 at nasa 3, 800 naman ang mga gumaling sa sakit.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ang vaccination coverage naman hanggang nitong Hunyo 27 ay nasa 69. 90 %.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH sa publiko na sundin ang health protocols lalo na ang pagsusuot ng face mask at social distancing.