Community service sa mga curfew violators, isinusulong sa Koronadal

KORONADAL CITY — TULOY tuloy ang implementasyon ng curfew hours sa lungsod ng Koronadal.

Ngunit sa panayam ng Brigada News FM Koronadal OIC Chief of Police Joedy Lito Guisinga, ng Koronadal City PNP, kinumperma nitong nagpadala ito ng liham sa Mayor’s Office kung saan nirerekomenda nito ang pagpataw ng kaukulang parusa sa mga curfew violators kagaya na lamang ng community service.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ito’y dahil sa kanilang obserbasyon, marami pa rin ang bilang ng mga curfew violators at ilan sa mga ito ang paulit-ulit nang nahuhuli.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Napag-alaman na sa ngayon, dinadala lamang sa presinto ang mga nahuhuli sa curfew at isinasailalim sa maikling briefing ukol sa ordinansa.

Matatandaan na noong nakaraang mga buwan, mahigit sa 1,000 ang bilang ng mga nahuling curfew violators.