COMELEC umapela sa Kongreso matapos ang bantang budget-cut

Umapela ang Commission on Elections sa Kongreso na irekonsidera ang bantang budget-cut para sa kanilang opisina.

Ito’y matapos ipanukala na ilang Senador na tapyasan ang pondo COMELEC para sa susunod na taon kung hindi nito palalawagin ang voter’s registration.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Ayon naman kay Comelec Spokesman James Jimenez, hindi umano ito tungkol sa perang hindi maibibigay sa ahensiya kundi sa posibleng hindi pagkakaroon ng halalan kung itutuloy ang budget cut.

Dagdgag pa nito, dapat makita umano ng mga mambabatas na ang ganitong panukala ay hindi lang makaka apekto sa Comelec kundi sa taumbayan na rin sa kabuoan.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Paliwanag ni Jimenez na kung pagbibigyan ang hiling ng mambabatas apektado ang timeline sa paghahanda nila sa 2022 Election pati na ang paghahanda sa mga balota.