KORONADAL CITY — NAKATANGGAP ng 20 malalaking medical oxygen ang South Cotabato mula sa isang pribadong kompanya.
Ito ang kinumpirma ni South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO OIC Rolly Aquino sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.
Ayon kay Aquino, malaking tulong ito lalo na’t nararanasan ngayon sa South Cotabato ang kakulangan sa supply ng medical oxygen.
Nabatid, na isa ang South Cotabato sa mga lalawigan sa Mindanao sa nakararanas ng kakulangan sa supply ng medical oxygen dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Dagdag pa ni Aquino, na sinisikap nila na magkaroon ng endorsement ang nasabing mga oxygen upang maipamahagi sa mga ospital.
Nabatid, na nangangailangan ng 300 na mga medical oxygen ang probinsya sa ngayon.
