Commission on Election isinagawa ang VCM roadshow sa bayan ng Labo

CAMARINES NORTE- Isinagawa ang Vote Counting Machine (VCM) Roadshow sa bayan ng labo sa pangunguna ng Commission on Election (COMELEC) nakaraang sabado sa Labo Sports Complex.

Dinaluhan ng mga Elected at Appointed officials mula sa Barangay ng Dalas at Gumamela, kung saan ipinaliwanag ni Election Officer Larievic O. De Guzman ang mga panuntunan sa Campaign Period at sa mismong araw ng botohan ngayong panahon ng pandemya.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa araw ng eleksyon, dadaan ang mga botante sa information desk para sa thermal scanning bago tuluyang makapasok sa presinto.

Ipinaliwanag ng Comelec na ang may body temperature na botante na may 37.5°C pataas, maghihintay ito ng siyam (9) na minuto bago muling i-thermal scan, sakaling hindi pa rin bumaba ang temperature ng botante, kinakailangan nitong pumunta sa Isolation Polling Precinct (IPP) upang doon bumoto.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Dalawampu (20) na mga sample ballot ang ipinamigay ng COMELEC sa mga dumalo upang subukan ang VCM, ang ilan ay nag-undervote at overvote, labing siyam (19) naman dito ay may lumabas na resibo, habang ang isa ay walang lumabas na resibo dahil sa hindi sinasadyang masulatan ang ibabang bahagi ng balota