CAMARINES NORTE- Naaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Labo at Basud MPS ang isang lalaking may kaso panggagahasa sa Purok-4, Barangay Mancruz, Daet, Camarines Norte.
Ang akusado ay nakilalang si alyas “Riel”, 23 anyos, binata at residente ng Purok 1, Barangay Lugui, Labo, Camarines Norte.
Ang nasabing personahe ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape na ipinalabas ni Honorable Leo Lumabad Intia, Presiding Judge ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Nortesa petsang February 14, 2022 na walang piyansang nakalaan.
Ang insidente ng panghahalay umano ay napagtagumpayan ng suspek Hulyo taong 2021 sa isang 17 anyos na dalaga na kamag-anak nito mismo na naganap sa isang barangay sa bayan ng Labo, Camarines Norte.
Ang naarestong personahe ay kasalukuyang nasa ilalim na ng pangangasiwa ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.
Nagbabala naman si Camarines Norte Provincial Director PCOL Julius Guadamor na walang ligtas sa batas ang mga nagkasala lalo na ang mga taong mapagsamantala sa kahinaan ng mga kabataan
Tiniyak rin nito na kanilang ibibigay ang agarang hustisya upang maibsan ang trauma at takot na kanilang dinanas sa kamay ng sinumang may kagagawan.
Agad na dadakipin at ihaharap sa korte ang mga ganitong klaseng tao upang pagbayaran ang pagkakasala nila sa kanilang biktima
