Comelec, wala pang natatanggap na counter-affidavit mula sa kampo ni Guo

Bigong makapagsumite ng counter-affidavit ang kampo ng sinibak na alkalde ng Bamban Tarlac na si Alice Guo kaugnay sa subpoena na inihain laban sa kaniya.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Mababatid na binigyan ng palugit ng poll body si Guo na maghain ng kontra salaysay hinggil sa naturang subpoena.

Batay sa iginawad na extension, pinayagan ito hanggang September 2 mula sa deadline noong nakaraang linggo ng August 27.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Aug. 22 nang humiling ang legal counsel ni Guo na si Atty. Stephen David na magbigay ng sampung araw na extension para makasangot ang kanilang kampo.