DOH, nagbabala sa posibleng pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa bansa

Nababahala ang Department of Health sa posibleng pagsipa ng kaso ng mga pasyenteng tinatamaan ng leptospirosis sa bansa.

Kasunod ito ng malakawang pagbaha sa ilang lugar at probinsiya sa Pilipinas dahil sa bagyong Enteng at habagat.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Pinayuhan ni Health Sec. Ted Herbosa ang publiko na iwasan hangga’t maaari ang paglusong sa tubig baha.

Kung hindi naman maiwasan na ma-expose sa tubig baha, pinapayuhan ang mga ito na maghugas ng mabuti sa pamamagitan ng malinis na tubig at sabon.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Dapat din aniyang kumonsulta agad sa doktor o health center sa loob ng 1 hanggang 2 araw kahit walang sugat o nararamdamang sintomas.

Samantala, umabot na sa 3,785 ang kaso ng leptospirosis sa buong bansa.