COMELEC, umapela na i-reschedule ang barangay at SK election sa 2026

Umapela ang Commission on Elections (COMELEC) na i-reschedule ang susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (SBKE) sa 2026 imbis na 2025.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, naniniwala ang en banc na hindi dapat isagawa ang dalawang eleksyon sa isang taon, kasabay ng national at local elections.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ang pag-file ng motion for reconsideration ay ang tugon ng ahensya  matapos maglabas ng desisyon ang Korte Suprema na ang susunod na BSK elections ay isasagawa sa 2025, ayon sa Republic Act 11462.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Sa kabila nito, naniniwala rin si Garcia na ang pag pagtatalaga sa mga opisyal ng BSK ay dapat tiyak at regular, katulad ng paghalal sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na nangyayari kada tatlong taon.