Sinabi ni Pampanga Representative at dating Pangulo at House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na nais niyang umupo sa VIP section ng House gallery para sa gaganaping ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, maaaring umupo si Arroyo sa plenary bilang incumbent House member, pero nakarating sa kanila na mas gusto daw ng dating Pangulo na umupo sa gitna.
Paglilinaw pa ni Velasco, ang VIP gallery ay nakalaan para sa mga dating Pangulo at Bise Presidente, dating First Ladies, gayundin ang mga dating Senate Presidents at ex Speakers, mga miyembro ng diplomatic corps, at mga panauhin ng first family, Senate President, at Speaker.
Samantala, kinumpirma na rin aniya nina Vice President Sara Duterte at dating Pangulong Joseph Estrada ang kanilang pagdalo sa taunang presidential address.
