Comelec tuluyan nang kinansela ang VP at Presidential debates sa April 30 at May 1

Tuluyan nang kinansela ng Commission on Elections ang vice presidential at presidential town hall debates na nakatakda sa April 30 at May 1.

Ayon sa Comelec sa halip, magsasagawa na lamang sila ng Single Candidate/Team-Panel Interview Format na tatawaging “COMELEC-KBP Pilipinas Forum 2022”.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Sinabi ni Comelec Comissioner Garcia na ie-ere ang recorded interview mula May 2 hanggang May 6.

Paliwanag ni Garcia ito ay dahil na rin sa scheduling conflicts ng mga kandidato na nasa huling bahagi na ng pangangampanya.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ito ay batay sa rin umano sa rekomendasyon ng Kapinasan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP).

Nabatid na naunsiyami ang huling debate na inorganisa ng Comelec matapos na magkaproblema sa bayarin ang event organizer na kinuha ng poll body at ang Sofitel na sana’y pagdaruasan ng presidential debate.