Dagsa ng mga taong nagbabakasyon sa Caramoan, Camarines sur, hindi na makontrol ng MDRRMO

NAGA CITY – Inamin ng Municipal Risk Reduction and Management Office o MDRRMO Caramoan na hindi na nila kayang makontrol ang pagdagsa ng mga taong nagbabakasyon sa kanilang bayan.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Christian Aris Guevarra, MDRRM Officer, sinabi nitong sa sobrang dami na ng mga turista at bakasyunista sa luga mas naging abala pa upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Punuan na rin ang mga hotels at accommodations, maging ang kanilang mga Tourist Guide ay halos hindi na rin nababakante kaya naman dobleng pagbabantay na rin ang ginagawa ng mga ito.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Tiniyak ng LGU at naturang opisina ang seguridad ng mga nagbabakasyon lalo na na maiwasan ang pagkakalunod, pasalamat naman ang opsiyal na wala namang naitala sa lugar ng ganitong insidente.

Ang Caramoan kilala rin kahit sa ibang bansa minsan ito ang venue ng reality show na Survivor.