Napatunayan daw ng Commission on Elections (COMELEC) na manufacturer ang Miru Systems – bagay na isa sa kinakailangan at tina-target ng ahensya para sa 2025 midterm elections.
Ito ay matapos nilang inspeksyunin kamakailan sa South Korea ang pasilidad ng naturang manufacturer.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Comelec Chairperson George Garcia, sinabi nitong mas makatitipid ang bansa kung sa mismong nagma-manufacture kukuhanin ang mga makina para sa halalan.
Maliban dito, ‘tailor-fitted’ din aniya para sa kakailanganin ng bansa ang makinang gagawin ng Miru.
Ayon kay Garcia, kontento sila na magagawa ng Miru ang 110,000 machines na gagamitin sa eleksyon.
Sa kabila nito, kailangan pa rin daw abangan ang mismong software na siyang utak ng makina.