LGBTQIA+ organization, idinaan sa “love letter” ang panawagan na sertipikahan bilang urgent ang SOGIE Bill

Nanawagan ang isang grupo ng LGBTQIA+ members kay Pangulong Bongbong Marcos na sertipikahan na bilang urgent ang panukalang Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression or Sex Characteristics Equality Act.

Sa pangunguna ni Bataan Representative Geraldine Roman, idinaan ng LGBTQIA+ organizations at advocates sa isang “love letter” ang apela sa pangulo na i-certify na bilang urgent ang SOGIESC Equality Bill.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo, iginiit ng “The Equality Alliance” na mas magiging masaya kapag naitaguyod ang pagkakapantay-pantay sa bansa.

Sa Kamara ay naisalang na sa plenaryo ang House Bill 10176 na nagco-consolidate sa mga panukalang nagsusulong ng SOGIE Equality Act ngunit inabot ito ng halos isang taon bago mangyari.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Nakapaloob dito na ipinagbabawal ang diskriminasyon na nakabase sa sexual orientation, gender identity, gender expression o sex characteristics ng isang tao.

Sa Senado naman ay mayroong dalawang komite na nag-apruba sa Senate Bill 1600 noong Disyembre ng taong 2022 na nagpapanukala ng SOGIESC Equality Act.