Comelec tiniyak ang kahandaan para sa December 2022 Barangay at SK Elections

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Commission on Elections ang kahandaan para sa December 5, 2022 synchronized Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Election Officer IV Virgilio Veras na pinaghahandaan talaga ng komisyon ang darating na halalan sa kabila ng mga panukalang muli itong ipagpaliban.

Ngayong araw ay magkakaroon ng webinar ang mga election official patungkol sa pagbubukas muli ng voter registration na magsisimula na sa Lunes.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ani Veras hindi sila nagpapaapekto sa mga panukalang ipagpaliban ang halalan sa Barangay at SK sa halip ay tuloy- tuloy lang ang preparasyon.

“Kapag naka- schedule ang isang election talagang may preparasyon, talagang pinaghahandaan namin yan kung  anong dapat naming gawin, ginagawa namin regardless kung sinasabing may proposal na pinag uusapan, may mga balita na nakakarating sa amin na pwedeng ma- postpone yun, hindi kami basta- basta umaayon sa ganung bagay, patuloy ang aming isinasagawang preparasyon para masiguro na  ang kahandaan ng Comelec sa darating na halalan,” ani Veras.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dagdag pa ni Veras na nakalatag na ang kanilang calendar of activities at patuloy lang ang gagawing paghahanda.

Hindi aniya pwedeng saka na lang maghahanda at hindi rin sila magpapabaya.