Libon, Albay marami ng naitatalang patay at nawawala na unsolved cases – NBI

LEGAZPI CITY -Kinumpirma ng National Bureau of Investigation na marami ng nawawala at pinapatay sa bayan ng Libon Albay at ang itinuturong salarin ay Gilbert Conception Criminal Group

Ayon kay Atty Edwin Romano NBi Agent ng Legazpi, bawat linggo ay mayroong nirereport sa Rural Health Unit (RHU) libon na ginagamot o nirereport sa libon mps na nawawala na hindi na nakakabalik sa kanilang pamilya.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Dahil dito, hindi muna pinapayagan na pumasok sa Barangay Molosbolos, Tagbak, Macabogos at Boga ang mga dayuhan o hindi residente ng mga nabanggit na barangay para sa kaligtasan ng mga ito.

May mga iilan rin na sumusuporta sa Criminal Group kung kayat nahihirapan ang mga ito na hulihin ang grupo.

Aabot p a sa 15 hanggang 20 pa katao ang kanilang tinutugis ng mga awtoridad.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Marami na rin ang nagtangkang pasukin o magserved ng warrant laban sa mga suspek subalit pinapuputukan ang mga ito.

Sinabi ng opisyal, sinasabi rin ng mga residente na hindi masamang tao ang Gilbert Conception Criminal Group dahil sa tumutulong ito sa mga taong inaapi at tinatawag rin itong Bicol Peoples Liberation Army na kung saan hindi sila gumagawa ng krimen sa bayan ng Libon Albay.