Isa patay sa aksidente sa Brgy. Tambak, New Washington

NEW WASHINGTON — Namatay kaninang madaling-araw habang ginagamot sa isang pribadong ospital ang isa sa mga imbolbado sa nangyaring aksidente kagabi sa Brgy. Tambak sa bayan ng New Washington.

Ito ay base sa kumpirmasyon ng New Washington PNP sa panayam ng Brigada News FM Kalibo.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Kinilala ang nasawi na si Rudy Reyes Jr., 42yo ng Sitio Malogo, Brgy. Poblacion, New Washington.

Base sa police blotter, habang sakay si Reyes sa kanyang motorsiklo, aksidente nitong nasagi ang naglalakad na si Emilio Dela Luna 55yo ng Brgy. Mabilo sa nasabing bayan.   

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Dahil dito, parehung natumba ang magkabilang parte.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyun ng New Washington PNP sa nangyari. / ANN DESLENE SALAZAR