Halos 770,021 na indibidwal sa Sorsogon ang nagparehistro bilang mga botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon sa Comelec Sorsogon, sa nasabing bilang may 216,999 na SK voters ang nagparehistro.
Pinakamaraming naitalang registrants bilang SK voters ang Sorsogon City na umabot sa 43, 145, sinundan ito ng bayan ng Bulan na may 26, 389 habang ang bayan ng PIlar ay may naitalang 19, 501 registrants.
Ang bayan ng Irosin ay may naitalang 16,177 habang ang Castilla ay may naitalang 15, 755 registrants.
Samantala, nakahanda na ang tanggapan ng Comelec sa lungsod at sa iba’t-ibang bayan, kaugnay ng papalapit na filing of certificate of candidacy (COC) sa Barangay at SK Election na nakatakda sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2.
