Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng COMELEC Region 2 sa AFP at PNP upang matukoy ang mga lugar na dapat bantayan ngayong halalan 2022.
Ayon kay Regional Director Atty. Julius Torres, may mga lugar kasi na kailangang mabantayan lalong-lalo na sa lalawigan ng Cagayan kung saan mayroon umanong hanggang tatlong munisipalidad na natukoy na areas of concern.
Aniya, maliban sa mga naturang lugar lahat naman na ay manageable.
Sinabi pa nito na sa ngayon ay hinihintay pa na ma-finalize ang listahan galing ng mga lugar na ituturing na areas of concern mula sa security forces.
Samantala, kasalukuyan na umano ang pagsasanay ng mga DepEd Supervising Official (DESO) Technical staff sa iba’t-ibang venue sa rehiyon.
Pagkatapos umano nito ay isusunod na ang training ng mga electoral boards.
Ayon pa kay RD Torres, tuloy-tuloy din ang implementasyon ng mga panuntunan ng Fair Elections Act at ang Operation Baklas ng COMELEC.