Mga government activities, hindi dapat haluhan ng kampaniya- Comelec region 2

Hindi umano dapat gamitin ng mga kandidato ang mga legitimate government activities para sa pangangampaniya.

Ito ang inihayag ni Atty. Julius Torres, Regional Director ng COMELEC Region 2 ngayong araw.

Aniya, kapag ang naturang aktibidad ay isang official government function hindi dapat haluhan ng politika o pangangampaniya at kailangang ilimit ang naturang aktibidad sa layunin nito.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Bagaman inamin ni RD Torres na mahirap itong tukuyin dahil maaari umanong ang isang incumbent official ay talagang bahagi ng isang aktibidad o sila mismo ang may adbokasiya.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Kailangan din aniya na maipakita sa mga tao ang mga programa o accomplishments ng mga ito ngunit nagkaton na panahon ng halalan.

Gayunman, sinabi niya na bago mangampaniya ang isang kandidato ay dapat nakakuha ito ng permit sa COMELEC campaign committee at kung hindi ay iligal ang pangangampanya ng isang kandidato.