Comelec, puspusan na sa paghahanda para sa nalalapit na halalan; publiko, hinikayat na magpabakuna kahit na wala pang direktiba kaugnay sa” No vaccine, No vote policy”

BICOL – PUSPUSAN na ang ginagawang paghahanda ngayon ng Commission on Elections o COMELEC-Bicol para sa nalalapit na 2022 local at national elections.

Sa isang panayam, sinabi Comelec Albay Election Supervisor Atty Aurea  Bunao na naging matagumpay sa kabuuan ang isinagawang mock election noong Disyembre 29 na isa umano sa mga requirements ng international body para ma certify ang pagsasagawa ng automated na halalan.

Aniya, bahagi ito ng paghahanda ng komisyon dahil sa naturang aktibidad nasuri ang integridad ng mga vote counting machines at matagumpay umanong naipatupad ang mga health protocols sa hanay ng mga botanteng lumahok at election personnel.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Sa kabila nito, aminado naman ang opisyal na marami pa umanong dapat naa paghandaan ang kanilang ahensya lalo na ngayong mayroong surge ng covid-19 cases.

Tinitingnan umano ng COMELEC ang pagtatalaga ng mas maraming waiting areas para maiwasan an overwcriwding gayundin daraan sa health screening ang mga papasok sa loob ng voting centers.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Plano ring magtalaga ng mga “covid marshalls” katuwang ang mga brgy. Officials sa labas ng mga poll areas.

Hinikayat din ng opisyal ang mga hindi pa bakunadong indibidwal na magpabakuna na kahit pa nga wala pang direktiba kaugnay sa hindi pagpaphintulot sa mga unvaccinated individuals na makaboto.

Paliwanag nito, kasi pa nga naaayon sa konstitusyon na lahat ng Pilipino ay maaaring makaboto, may karapatan pa rin umano ang pamahalaan na magpatupad ng mga bagong polisiya kung ito ay para interes at kapakanan ng mas nakararami.