Target ng Commission on Elections (Comelec) na makompleto ang kanilang imbestigasyon sa presidential at vice presidential debate mess sa April 29.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, papapaliwanagin nila ang mga kinauukulang indibidwal hinggil sa isyu.
Sakaling makita ng Comelec na may mga disadvantaged sa kontrata sa Impact Hub, ang partener n poll body para sa debate, ay agad naman umano nilang kakanselahin ang kontrata, iba-blacklist ang kompaniya o maghahain ng reklamo.

Sa gitna nito, humingi ng pag-intindi si Garcia mula sa publiko.
Mababatid na nakansela ang nakatakda sana election debate noong April 23 at 24, at inilipat sa April 30 at May 1, matapos na hindi makapagbayad ang Impact Hub sa P14 million na obligasyon sa Sofitel Philippine Plaza Manila, ang venue ng event. //MHEL PACIA-TRINIDAD