NICA, isusumite ngayong linggo mga pangalan ng suspected smugglers ng agri products

Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III na magsusumite na ngayong linggo ang National Intelligence Coordination Agency (NICA) ng mga pangalan ng suspected smugglers ng agricultural products sa bansa.

Una nang nagbabala si Sotto na irerekomenda niya ang paghahain ng kaso laban sa mga dawit na opisyal, sakaling mabigo ang NICA na magbigay ng mga pangalan ng indibidwal na umano’y pomoprotekta sa smugglers ng agricultural products.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Una nito, may apat nang pangalan na pinalutang sa pagdinig ng Senado na umano’y “players” sa vegetable smuggling, na sinasabing protektado ng ilang pulitiko.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Nabatid na maliban sa apat, ibinunyag ni NICA director Edsel Batalla, focal person ng Sub-Task Group on Economic Intelligence (STG-EI), na may mahigit 20 indibidwal, kabilang na ang tinatawag na “protectors” ang kasama sa listahan. //MHEL PACIA-TRINIDAD