Bahagya pang lumakas ang hangin na taglay ng Severe Tropical Storm #HannaPH.
Sa 11am bulletin ng PAGASA – taglay na nito ang lakas ng hangin na aabot ng 110 kilometro kada oras, at bugsong papalo ng hanggang 135 kilometro kada oras.
Huli itong namantaan sa layong 1,160 kilometro, silangan ng Extreme Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, bagamat hindi pa direktang makaapekto sa bansa ang naturang bagyo – palalakasin pa rin nito ang hanging Habagat.
Ngayong araw at bukas, asahan pa rin ang pag-ulang dulot ng Habagat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at sa northern portion ng Eastern Visayas.
Maaari namang lumabas ang #HannaPH sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes ng hapon o gabi.