COMELEC offices sa Isabela, limitado ang pagtanggap ng mga magpa-file ng COC

Limitado ang pagtanggap ng mga opisina ng Commission on Elections  sa Isabela ng mga indibidwal na magpa-file ng kanilang Certificate of Candidacy ngayong araw hanggang October 8, 2021 dahil sa umiiral na quarantine restrictions.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Atty. Manuel Castillo, ang Provincial Election Supervisor ng Isabela, mula ngayong araw hanggang October 8 ay bukas mula alas-8 hanggang alas 5:00 ng hapon ang kanilang mga opisina para sa mga kandidato ngunit tiniyak nito na one at a time lamang ang tatanggapin o hanggang dalawa lamang ang maaring kasama.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Aniya, kinakailangang kumpleto ang COC at dokumento ng mga kakandidato habang ang mga nagpositibo naman sa COVID-19 ay maaari pa ring magfile ng COC  sa pamamagitan ng kanilang representative.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Samantala, ayon pa kay Atty. Castillo nagdagdag na rin sila ng personnel o election job order casual na siyang tututok sa pagsunod ng health protocols lalo na aniya ang social distancing.

Habang idadala naman sa law department sa Manila ang COC ng mga indibidwal na nagfile upang masuri ito ng maayos.