Kinikilala raw ng Commission on Elections (COMELEC) ang modernisasyon lalo na pagdating sa mga teknolohiya, pero iba na raw sa usapin ng artificial intelligence (AI) para sa halalan.
Maalalang iminungkahi ni COMELEC chairperson George Garcia sa en banc ang na i-ban sa paggamit ng AI at deepfakes sa 2025 midterm elections.
Sa panayam ng Brigada News FMManila kay Garcia, sinabi nitong may mga makabagong pamamaraan na hindi katanggap-tanggap, partikular na sa pangangampanya.
Naniniwala kasi si Garcia na ang paggamit ng ganitong mga paraan ay posibleng makaapekto at magdulot ng kalituhan sa mga botante.
Sa kabila nito, nilinaw ni Garcia na pag-aaralan pa nila ang magiging sakop ng AI ban sa pangangampanya.
Hindi naman daw kasi nila ipagbabawal ang kabuoan ng AI dahil hindi naman lahat ng ito ay masama.
Ang mahalaga raw sa ngayon ay inumpisahan na ang diskusyon at pagbibigay ng iba’t ibang mga kumento’t suhestyon para sa kaniyang panukala.
May nakausap na raw silang mga IT experts at bukas silang imbitahan ang mga tauhan ng DICT para magbigay ng opinyon sa usapin.
Paliwanag ng poll body chief – bagamat mayroon nang mga teknolohiya para ma-detect ang fabricated o peke, mula sa mga totoong nangyari, mabilis ding nage-evolce ang AI kaya kung ano ang epektibong AI o deepfake detector ngayon, maaaring ‘di na ito accurate sa susunod.