Isang banyaga na NPA member, sumuko sa So.Cot

KORONADAL CITY – ISANG buntis na American citizen na miyembro ng New Peoples Army o NPA ang sumuko sa militar at ipinresenta kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. Kinumpirma mismo ng gobernador na ang naturang rebel returnee ay miyembro ng grupo na nag-ooperate sa bulubunduking bahagi ng Lake Sebu.

Read More:  Three pedestrians injured in Lapu-Lapu hit-and-run

Ayon kay Tamayo na gutom at pagod sa kabundukan ang nagtulak sa dating rebelde upang magbalik-loob sa gobyerno.

Nananawagan naman ang gobernador sa mga naiwan pa sa hanay ng mga rebelde na sumuko na dahil handa umano ang gobyerno na tulungan ang mga itong magbagong buhay.

Read More:  Barangay captain killed in Negros Oriental shooting

Ang mga rebel returnees ay makakatanggap ng tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP.