Hanggang sa 2 bagyo – posibleng pumasok sa bansa ngayong Hunyo

Idineklara na nga kahapon ng PAGASA ang opisyal na pagsisimula ng tag-ulan.

Dahil dito, mas asahan na raw ang mga pag-ulan sa hapon at gabi, maging sa madaling araw.

Ngayong araw ng Huwebes, umiiral ang Southwest Monsoon, ‘o ang Hanging Habagat na siyang may dala ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan.

Maliban diyan, Frontal System ang magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Batanes at Babuyan Islands.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay posible pa ring makaranas ng pulo-pulong mga pag-ulan bunsod naman ng localized thunderstorms.

Sa panayam naman ng Brigada NewsFM Manila kay PAGASA weather forecaster Veronica Torres – sinabi nitong inaasahan ang isa hanggang dalawang bagyo ang maaring pumasok o mabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Inasahan namang sa July-August-September maidedeklara ang La NiƱa Season.

Kung maaalala, tuluyan na ngang nakalabas kahapon ng PAR ang Bagyong Aghon, at patuloy itong lumalayo sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *