Comelec, nagtala na ng 60M registered voters para sa 2022 elections

Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na pumapalo na sa 60 million ang registered voters para sa 2022 polls.

Batay sa datos ng poll body, ang 60,117,780 million registered voters ay binubuo ng 58,231,612 million existing registered voters; 1,226,412 million newly registered voters at 816,183 thousand na mag-18 years old sa araw ng halalan sa May 2022 at eligible nang bomoto.

Samantala, 67,981 voters naman ang tinanggal sa listahan dahil sa pagkamatay, habang 66,069 ang tinanggal dahil lumipat sa ibang lugar.

Maliban dito, 17,108 ang tinanggal mula sa records dahil sa double registration, habang 2,704 ang deactivated dahil sa kabiguang makaboto sa dalawang magkasunod na halalan.

Kaugnay pa nito, 2,562 ang ibinasura mula sa listahan ng eligible voters para sa 2022 dahil sa double entry. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *