COMELEC, nagpahayag sa umano’y vote buying sa Sipocot

NAGA CITY – Matapos magsagawa ng beripikasyon at imbistigasyon ang Commission on Election Sipocot, Camarines Sur, ang hinggil sa umano’y nangyayaring vote buying o cash distribution sa isang barangay sa bayan.  Kinumpirma na sa Brigada News FM Naga ni Election Officer ng COMELEC Sipocot, Crisostomo Plopinio, na may katotohanan ang nabanggit na paglabag ng ilang kandidato.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Katunayan inaalam pa kung ilan ang may kinalaman o sangkot sa naging cash distribution, may dalawang kandidatong para sa Kapitan at nasa 16 na para sa Kagawad at nasa 13 kandidato sa Sanguniang Kabataan kasi mayroon ang barangay.

Sa ginawang imbistigasyon kasi kasama ang Sipocot Municipal Police Station, isa sa mga tauhan ng himpilan, nagpanggap na kukuha din sa nasabing cash distribution, matapos na may makapagsabe ng eschedule at oras, may dumating sa lugar at ilan din sa residente nakaabang na, kaya lamang dahil siguro sa nakahalata ang ilan pasimpleng o paisa-isang umalis ang mga tao sa lugar, kung saan na-udlot ang nasabing distribusyon, na ngayon ay nasa proseso na rin ng pagkaso, malaki kasi umano ang posibilidad na sila lahat ay sangkot at lumabag.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash