Comelec, inaasahan ang mataas na overseas voter turnout ngayong eleksyon

Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) ang mataas na overseas voter turnout ngayong eleksyon 2022.

Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, maraming botante abroad ang interesadong makaboto sa unang araw pa lang ng overseas voting.

Read More:  MMDA to implement road closures, traffic rerouting near PICC ahead of ASEAN Summit

Aniya, nakikita nila na lolobo ito kumpara noong 2016 elections kung saan ngayon pa lang ay naabot na nila ang kanilang target ng mahigit 30%.

Read More:  Government flags all shipments from Laos after ₱1.36-B shabu seizure

Samantala, base sa datos ng Comelec nasa 1.7 million ang mga nakarehistrong Filipino voters abroad na lalahok ngayong halalan. || ARGIE ERGINA