CSC, nagbigay ng ilang paalala sa mga civil service examinees sa linggo

Nagbigay ng ilang mga paalala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga kukuha ng civil service exam ngayong linggo, ika-24 ng Abril.

Bukod sa valid ID ay kinakailangang suot ng mga mag-eexam ang kanilang face mask bago pumasok sa testing venue kung saan hinihikayat din ang lahat na magsuot ng face shield.

Read More:  Malacañang praises mon Tulfo’s fake news admission

Kailangan din ipresenta ang vaccination card o digital copy ng mga fully vaccinated examinees habang ang mga hindi naman bakunado o partially vaccinated ay dapat dala ang kanilang negative RT-PCR test result o antigen test.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Samantala, inaasahang nasa 17,840 ang mga mag-eexam sa linggo kung saan pinasisiguro ang kanilang school assignments upang makaiwas sa aberya. || ARGIE ERGINA