Comelec, iginiit ang kahandaan para sa pagbubukas ng voter registration

Iginiit ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang kahandaan para sa pagbubukas ng voter registration sa ika-4 hanggang ika-23 ng Hulyo ngayong taon.

Ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, magpapatuloy ito mula Lunes hanggang Sabado sa ganap na alas-otso ng umaga na magtatapos naman ng alas-singko ng hapon.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Maaaring magtungo ang mga voter applicants sa Office of the Election Officer sa kani-kanilang distrito, lungsod o munisipalidad.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Samantala, sinabi ni Laudiangco na target nila ang mga bagong botante para sa Sangguniang Kabataan (SK) edad 15 hanggang 17. (ARGIE ERGINA)