DSWD, iginiit na aabot sa 5-6 na araw ang pagdeposito ng P500 monthly ayuda

Iginiit ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na aabot sa 5 hanggang 6 na araw ang pagdeposito ng P500 monthly ayuda para sa mga mahihirap na pamilya sa bansa.

Itoy matapos i-release ng Department of Budget and Management (DBM) ang P6.2 billion na budget para dito bilang tulong dahil sa tumataas na presyo ng mga pangunaging bilihin sa Pilipinas.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Ipapamahagi ito sa loob ng anim na buwan sa ilalim ng tatlong tranche sa kasalukuyang cash cards ng naturang mga benepisyaryo.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Samantala, matatandaang inaprubahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing cash aid sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program ng pamahalaan. (ARGIE ERGINA)