Comelec hiring ngayon ng mga tao na magsisilbi sa may 2022 elections

CAMARIES NORTE- Inanunsiyo ng Commission on Elections na tumatanggap na ito ng application para sa mga taong magsisilbi sa May 2022 National and Local Elections.

Sa bayan ng Basud ay nangangailangan ngayon ng 26 na Department of Education Supervisor Official (DESO) technical support at 26 din na Election Medical Personnel o Health Workers.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Ang mga qualification ay naka post sa facebook page ng Comelec Basud.

Nais umano ng Comelec na makapag hire ng fully vaccinated at walang comorbidity at mas mainam kung may may karanasan na o nagsilbi na dati sa mga nakaraang eleksyon.

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Mababatid na puspusan ngayon ang ginagawang paghahanda ng komisyon para sa halalan.

Noong nakaraang buwan ay nagkaroon na ng On- site verification ng Project of Precints (POPS) sa iba’t- ibang bayan sa lalawigan.

Mayroon ding mga zoom meeting ang mga opisyal ng ahensiya upang talakayin ang mga ginagawang paghahanda sa halalan.