Iwas paputok campaign sinimulan na ng BFP bilang paghahanda sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon

CAMARINES NORTE- Sinimulan na ng Bureau of Fire Protection sa lalawigan ng Camarines Norte ang Oplan Paalala Iwas Paputok 2021 bilang paghahanda sa pagdiriwang ng pasko at pagsalubong sa bagong taon.

Nagkaroon ng launching nito sa pamamagitan ng social media platform noong December 1.

Sa bayan ng Basud, sinimulan na ng BFP sa pamumuno ng bagong talagang Acting Municipal Fire Marshal na si Inspector Socorro Tabaniag ang pagbabandilyo at pagpapaalala sa publiko na iwasan ang pagamit ng paputok.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Mababatid na walang naitalang firecracker related injury sa lalawigan ng Camarines Norte sa pagdiriwang ng Pasko noong 2020 at pagsalubong sa taong 2021.

Ito rin ang unang pagkakataon na walang nadisgrasya ng paputok sa lalawigan sa loob ng anim na taon.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Bagamat mayroon pa ring gumamit ng paputok ay mas kakaunti ito kumpara noong mga nagdaang taon.

Nagsipagdagsaan kasi ang mga bumibili ng paputok sa bisperas na ng bagong taon hindi katulad noong mga panahon bago tumama ang pandemya.

Paalala naman ng Department of Health sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok para sa ligtas na pagdiriwang ng yuletide season.