Comelec Commissioner Guanzon maghahain ng impeachment case vs Ferolino

Hindi umano patitinag si Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa posibleng libel cases o anu pa mang kaso na maaaring isampa ng kapwa niya Commissioner na si Aimee Ferolino.

Ito ay kasunod ng mga binitawang paratang ni Guanzon laban kay Ferolino kung saan tila pinapalabas na nabayaran ang huli kaya dini-delay ang paglalabas ng desisyon kaugnay sa disqualification cases ni presidential aspirant Bongbong Marcos Jr.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Handa niya umanong harapin ang kasong ibabato laban sa kanya kahit saan mang hukuman sa bansa.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sinabi ni Guanzon na si Ferolino ang dapat matakot sa kanya dahil baka maghain siya ng impeachment complaint laban dito.

Binigyan din ni Guanzon na ang impeachment ay dahil sa umano’y paglabag ni Ferolino sa anti-graft and corrupt practices act.