COMELEC, bukas sa mga gustong bawiin ang kanilang pirma para sa People’s Initiative

Hindi pa sapat ang hawak na mga pirma ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa isinusulong na People’s Initiative para amyendahan ang Konstitusyon.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, out of 254, nasa 209 nang mga legislative districts ang nakapagsumite ng kanilang mga lagda.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Katumbas pa lang umano ito ng 7 milyon na mga pirma, ngunit ang kailangan ng bansa ay 8 milyon.

Bagamat malaking bilang na hawak ng komisyon, iginiit ni Garcia na hindi pa rin ito sufficient alinsunod sa Saligang Batas.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Samantala, wala pa naman daw silang natatanggap na mga ulat na nais bumawi ng kanilang mga lagda.

Pero kung nais bawiin ang pirma, maaari aniyang lumapit at pumunta sa mga lokal na Comelec offices.