DSWD Sec. – tiniyak ang masusing imbestigasyon sa ‘ayuda scam’

Nangako si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na hindi niya hahayaang makalusot lang ang mga ulat na ‘di umano’y ginagamit ang ayuda programs nila para sa mga poltikal na interes.

Ito ay makaraang maungkat sa pagdinig ng Senado ang ‘di umano’y ‘ayuda scam’, partikular na ang paggamit ng assistance to individuals in crisis situation o AICA para sa ibang agenda.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sabi ni Gatchalian – wine-welcome nila ang naging unang findings ng kumite ni Senador Bato dela Rosa.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sa oras daw na may mapatunayang guilty sa kanialng hanay ay ‘di siya magaatubiling mahaharap ito sa karampatang parusa.

Tiniyak din ng Kalihim na magkakaroon ng information drive sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa mga totoong nilalaman ng mga payout programs ng DSWD.